-- Advertisements --
Wala pang konkretong plano sa career ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby.
Sinabi ng kaniyang manager na si Erickson Raymundo na inihabiln ni Kris ang anak na si Bimb para ipagpatuloy ang showbiz career nito.
Noon pang Hunyo ng nakaraang taon aniya ay nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ni Bimb at inaayos na ang maaring proyekto na darating.
Nais dini ni Kris na manatiling Bimb ang pangalan at hindi na dugtungan ng apeliyedo para mabilis na makilala sa showbiz.
Magugunitang inihayag ni Kris na kailangang magtrabaho ang anak para pantustos umano sa lumalaking gastusin sa pagpapagamot nito sa US.
Nasa US kasi ang TV-host-actress para sa pagpapagamot ng kaniyang auto-immuno disease.