-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng bagong kanta ang beteranong singer na si Billy Joel.

Ito ang unang bagong kanta niya matapos ang 17 taon.

Sa kaniyang social media ay nagpahapyaw ang 74-anyos na singer sa pamamagitan ng pagpost ng maikling video.

Mayroon itong caption na tila titulo ng kanta na “TIME TO TURN THE LIGHTS BACK ON”.

Huling naglabas ang singer ng kanta ay noong 2007 na may titulong “All My Life”.

Ikinatuwa naman ng mga fans ng singer ang nasabing anunsiyo nito.