-- Advertisements --
edsa

Nananatiling mataas ang bilang ng mga sasakyan ang hindi nakakapasa sa smoke belching test, ayon sa Metropoliran Manila Development Authority.

Batay sa datus kasi ng MMDA, mula sa halos 2,000 na sasakyang kanilang nahuli mula Enery hanggang nitong buwan ng Agosto, mahigit 1,200 sa mga ito ang hindi nakapasa sa naturang test.

Mahigit 570 lamang sa kanila ang emission test.

Inihalimbawa rin ng MMDA ang nangyari nitong Agusto kung saan hinuli nila ang hanggang 324 na mga sasakyan at 121 lamang ang nakapasa habang 193 dito ang hindi pumasa.

Dahil dito, sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes na kailangan nang palawakin ang reach ng anti-smoke belching campaign.

Ani Artes, kailangang pangaralan ang mga tsuper at operators ng mga pampublikong sasakyan ukol sa mga panganib na dulot ng mga mauusok na sasakyan.

Kasabay nito ay hinikayat ni Artes ang publiko na makipag-cooperate sa mga operatiba ng MMDA na naatasang magsagawa ng roadside smoke emission test dahil tungkulin nila ito upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga commuters, at ng kapaligiran mula sa mapanganib na usok ng mga sasakyan.