-- Advertisements --

Pumalo na sa 12,892 ang bilang ng mga Pilipinong nasa abroad na tinamaan ng COVID-19 hanggang nitong araw ng Linggo, Enero 3, 2021.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), tumaas ang bilang na ito matapos na madagdagan ng isang panibagong kaso.

Wala naman anilang naitalang bagong recovery at fatality sa mga tinamaan ng COVID-19.

Sa ngayon, sinabi ng DFA na aabot sa 3,594 ang patuloy na ginagamot sa ibang bansa, habang ang nakapag-recover naman ay 8,387 at 911 ang pumanaw.