-- Advertisements --

Pito pang Pilipino abroad ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Dahil dito, umakyat na sa 20,933 ang kabuuang bilang sa ngayon ng mga Pilipino sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.

Samantala, ang total recoveries naman ay pumalo sa 12,354, at ang bilang ng mga namatay ay nananatli sa 1,245.

Sa kasalukuyan, 7,334 pang pasyente ang nagpapagaling sa sakit.