-- Advertisements --
Umabot na sa 646,678 na indibidwal ang kumpirmadong naapektuhan ng magkakasunod na kalamidad sa bansa.
Katumbas ito ng 176,286 na pamilya mula sa 10 rehiyon sa buong bansa.
Umaabot naman sa 1,041 brgys ang nakumpirmang apektdao.
Ayon sa Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nananatili pa rin sa mga evacuation center ang hanggang 700 na pamilya o katumbas ng 2,765 na indibidwal.
Sa kasalukuyan, umaabot na rin sa P38million ang halaga ng relief assistance na naipamahagi ng ahensiya sa mga biktima.
Pagtitiyak ng Social Welfare Department na magpapatuloy pa rin ang paglalaan nila ng tulong sa mga biktima.