
Umabot na sa 84.72% ang employment rate o nakapasok sa trabaho sa 1.2 milyong graduates noong 2022.
Sinabi ni TESDA Deputy Director General Aniceto Bertiz III na katumbas ito ng walo sa 10 mga graduates noong nakalipas na taon na may trabaho ngayon.
Sa taong ito, sinabi ni Bertiz na plano nilang magsanay ng 1.8 milyong enrollees sa larangan ng agrikultura, construction, it bpm o digitalization programs pati na rin sa healthcare at turismo.
Binigyang diin ni Bertiz na mahalagan ang upskilling o reskilling ng workforce ng bansa para makakuha ng mga bago at dagdag na kasanayan para sa papasukin nilang trabaho.
Isang paraan aniya ito para matugunan ang job skills mismatch sa bansa at para maging kwalipikado sa demand ng mga industriya at mga lokal na pamahalaan.









