-- Advertisements --

Extended ang “no visitors allowed policy” sa New Bilibid Prisons (NBP) hanggang sa 2021.

Ito’y kasunod ng pag-akyat na sa halos 600 ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga pasilidad na hawak ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon BuCor, 27 sa nabanggit na bilang ang nasawi habang 441 naman ang mga naka-recover.

Nasa 130 naman ang aktibong kaso kung saan pawang mga mild at asymptomatic umano ang mga ito.

Noong kalagitnaan ng taon, sinabi ni Bucor Director General Gerald Bantag na 21 inmates ng NBP ang nasawi dahil sa COVID-19 kabilang na si Jaybee Sebastian, na tumestigo noon sa Kongreso para sa imbestigasyon kay Sen. Leila de Lima.