-- Advertisements --

Asahan nanaman ang panibagong bigtime oil price hike sa susunod na linggo dahil nakatakda nanamang magtaas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

Tataas ng hanggang P4.30 hanggang P4.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Nasa P4.70 hanggang P4.90 ang magiging patong sa kada litro ng kerosene.

Habang pumapalo naman sa P3.80 hanggang P4.00 ang itataas ng halaga sa kada litro ng diesel.

Ayon sa mga eksperto, ang nararanasang pabago-bagong presyo ng krudo sa bansa ay batay sa galaw ng global oil prices sa pandaigdigang merkado.

Sa kasalukuyan ay pumalo na sa $112 hanggang $113 ang presyo ng kada bariles ng Brent crude, habang nasa $106 ang halaga ng kada bariles ng Dubai crude na siyang basehan naman ng pricing sa Asian market.