-- Advertisements --
Magpapatupad ng big-time oil price hike sa susunod na linggo ang ilang kompanya ng langis sa bansa.
Base sa projections ng Unioil Petroleum Philippines para sa January 18 hanggang 24 trading week, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaring tumaas ng P1.70 hanggang P1.80.
Ang presyo naman ng gasolina ay maaring tumaas ng P0.90 hanggang P1.0 kada litro.
Kadalasan inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang adjustments nila sa kanilang presyuhan kada Lunes, at ipinatutupad naman kinabukasan.
Matatandaan na Simula Enero 11, tumaas ang presyo ng gasolina ng P0.75 kada litro at sa diesel naman ay P1.00 hanggang P1.10 kada litro.