-- Advertisements --

Napakalaki umanong accomplishment sa career ni WBO welterweight champion John Riel Casimero kung tuluyan niyang maparetiro ang veteran two-time division champion na si Guillermo Rigondeaux ngayong Linggo na gaganapin sa Carson, California.

Naniniwala si MP Promotions president Sean Gibbons na mas lalong babango ang career ni Casimero lalo na at ang veteran Cuban boxer ang pinakamalaking pangalan na kanyang makakaharap.

Sinasabing paborito pa rin ng ilang US analysts na mananalo si Rigo.

Sagot naman dito ng Pinoy three division world champ, pagbibigyan daw niya ang mga fans ng 40-anyos dahil ito na ang huling pag-akyat sa ring ng dati ring two-time Olympic gold medalist na tumalo noon kina Nonito Donaire at Drian Francisco.

Para naman kay Gibbons, kapag natikman daw ni Rigo (20-1, 13KOs, 1NC) ang lakas at puwersa ni Casimero tiyak umanong titiklop ang istilo nito.

Kung maalala pawang pinatumba ni Casimero (30-24, 21KOs) ang kanyang huling anim na mga nakalaban.