-- Advertisements --

Nirerespeto ni US President Joe Biden ang desisyon ni House Speaker Nancy Pelosi sa pagbisita nito sa Taiwan.

Ayon kay National Security Council Strategic Communications Coordinator John Kirby na naniniwala ang US President na naaayon lamang sa polisiya ng US ang ginawa ni Pelosi.

Dumating si Pelosi sa Taiwan nitong gabi ng Martes Agosto 2 at ito ay hindi niya inanunsiyo.

Magugunitang nagbanta ang China na sila ay gagawa ng hindi magandang hakbang kapag itinuloy ni Pelosi ang pagbisita sa Taiwan.