-- Advertisements --
Ibinahagi ni US President Joe Biden ang ilang mga napag-usapan nila nila King Salman bin Abdulaziz al Said at Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman.
Isa sa mga tinalakay dito ay pagtitiyak ng Saudi at US na dagdagan ang produksyon ng langis sa Hulyo at Agosto para mapatatag ang merkado.
Hindi rin ikinaila ng US President na kaniyang kinumpronta ang Crown Prince kung saan pinapapanagot nito sa kamatayan ng Saudi journalist na si Jamal Khashoggi na nasawi noong 2018.
Dagdag pa nito na hindi mananantiling tahimik ang US sa nagaganap na paglabag sa karapatang pantao ng Saudi Arabia.