-- Advertisements --

NAGA CITY – Pumalo na sa 1220 an kabuuang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Bicol Region.

Sa data ng Department of Health (DoH)-Bicol, nabatid na 63 bagong kaso ang naitala kagabi kung saan 573 dito ang mga active ceses.

Sa naturang bagong mga kaso, 41 rito ang mula sa Albay, isa sa Camarines Norte, lima sa Camarines Sur, tatlo sa Catanduanes, tatlo sa Sorsogon habang sampu naman sa Naga City.

Samantala, may sampu namang nakarekober kung kaya nasa 610 na naman ang total recoveries sa rehiyon.

Maliban dito, dalawang bagong kaso rin ng pagkamatay ang naitala mula sa Sorsogon at Albay kung kaya pumalo na rin sa 37 ang COVID-19 related deaths.