-- Advertisements --
NAIA

Nakapagtala ang BI ng nasa 36,000 average departures at 32,000 average arrivals sa araw-araw mula nang magsimula ang long weekend.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na ang mga bilang na ito ay malapit sa mga bilang ng pre-pandemic kung saan humigit-kumulang 50,000 hanggang 60,000 na mga manlalakbay ang nakarehistro.

Aniya, pinaghandaan ng BI ang pagdagsa ng mga biyahero sa pamamagitan ng pagpapakalat ng karagdagang tauhan.

Gayundin ang mabilis na pagtugon at augmentation teams upang palakasin ang manpower sa mga paliparan.

Sinabi rin niya na ang mga pila sa lugar ng imigration sa mga paliparan ay kasalukuyang mapapamahalaan at walang naitalang mga hindi kanais-nais na insidente.

Una na rito, inaasahan ng BI na tataas pa ang bilang hanggang 100,000 na mga pasahero ang dadagsa sa NAIA kasabay ng long weekend.