-- Advertisements --
image 234

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga Pilipinong gustong magtrabaho sa ibang bansa laban sa mapang-abusong setup na nakatagpo ng mga biktima ng Filipino trafficking sa ibang mga bansa.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco sa isang pahayag, inaalipin talaga umano ang ibang mga Pinoy at pinapayagan lamang na gumamit ng telepono sa dalawang oras.

Partikular na tinukoy ni Tansingco ang kamakailang ulat na kinasasangkutan ng isang 30-taong-gulang na biktima ng trafficking na Pilipino, na pinauwi mula sa Myanmar noong Miyerkules.

Aniya, knailangan umanong magbayad ng biktima ng higit sa kalahating milyong piso para sa kanyang paglaya, na nakipag-ayos at nagbayad lamang ng higit sa P168,000 para sa kanyang kalayaan.

Ayon sa Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), ang lalaking biktima ay kinakailangang magtrabaho ng 16 hanggang 18 oras bawat araw para sa isang love scam at cryptocurrency company.

Sinabi ni Tansingco na ang biktima ay iligal na na-recruit noong nakaraang taon sa pamamagitan ng social media.

Sinabi ni Tansingco na ang mga katulad na trafficking scheme para sa scam na trabaho sa ibang bansa ay una nangntinalakay sa mga pinuno ng imigrasyon sa Association of Southeast Asian Nations.

Sa ngayon, mahigpit pa ding nagpapaalala ang BI na mag-ingat sa mga nag-aalok NG trabaho sa pamamagitan ng internet.