-- Advertisements --
Duterte local executives

ILOILO CITY – Itinuturing ng Bureau of Fire Protection (BFP) na welcome development ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng service firearms ang mga bombero.

Ito ang kasunod ng pahayag ni Duterte kasabay ng ika-28 founding anniversary ng BFP kung saan maliban sa service firearms, nangako rin ang Pangulo na magbibigay ng karagdagang equipment para sa nasabing ahensiya.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fire Supt. Crossbee Gumowang, Assistant Regional Director for Administration ng Bureau of Fire Protection 6, sinabi nito na wala namang masama hinggil sa plano ng Pangulo.

Ayon kay Gumowang, maliban sa pagresponde at pag-imbestiga sa sunog at pagtulong sa panahon ng sakuna, ang BFP ay nagsisilbi ring supporting bureau ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Army kung kinakailangan.

Inihayag ni Gomuwang na maaari lamang makapagdala ng baril ang bombero kung may pahintulot mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa kabila nito, inihayag ng opisyal na kung peace and order ang pag-uusapan, ang AFP, PNP at Philippine Army ang may pangunahing papel dito.