-- Advertisements --

Isinisi ng mga taga Sweden kay Beyonce ang pagtaas ng mga bilihin nila.

Mula kasi ng isagawa ng singer noong nakaraang buwan ang kaniyang “Renaissance” World Tour sa Stockhold ay tumaas ang presyo sa mga hotel at restaurant.

Maraming fans din ang nagtungo sa Sweden dahil mas mura aniya ang tickets sa 2-gabing sold out concert nito.

Sinabi naman ng mga local economist sa lugar na normal lamang ang nasabing epekto at inaasahan na ito ay babalik sa normal sa mga susunod na araw.