-- Advertisements --

Agaw pansin ang pagdalo ng singer na si Beyonce sa world premier na ‘Eras Tour’ movie ni Taylor Swift.

Biglaan kasi itong dumalo at pagpapalabas ng pelikula sa Hollywood na ikinatuwa ni Swift.

Nakasuot si Beyonce ng itim na body suit na may metallic chest plate na terno sa knaiyang shaded habang si Taylor ay nakasuot ng asul na gown na gawa ni Oscar dela Renta.

Bukod kay Beyonce ay dumalo rin sa showing ang ilang mga celebrities gaya nina Adam Sandler, Simu Liu, Mariska Hargitay at maraming iba pa.

Sinabi ni Taylor na hindi niya inasahan na makakadalo si Beyonce dahil sa alam niyang abala ito sa mga show.

Isa aniya si Beyonce sa naging impluwensiya niya kaya pumasok siya sa pagkanta.