
Nakapagtala ng pagbaba sa bentahan ng SIM card sa bansa ang Department of Information and Communications Technology (DICT).
Kasunod ito ng pagpapatupad ng mandatoryong SIM registration sa Pilipinas bilang paglaban sa paglaganap ng mga spam text messages sa bansa.
Paliwanag ni DICT Secretary Ivan John Uy, dahil kasi aniya sa naturang batas ay bumababa ang demand ng mga SIM cars sa mga pamilihan.
Bagay na inasahan na aniya nila noong mga panahong binabalangkas pa lamang ng kagawaran ang naturang batas.
Ayon kay Uy, isa sa mga dahilan ng pagbaba ng demand ng mga SIM card ay dilemma na nararanasan ngayon ng mga sindikatong scammers.
Hindi kasi tulad noon, hindi na maaaring basta-basta makabili ng SIM card ang mga ito nang dahil sa umiiral na batas ngayon.
Samantala, sa ngayon ay pumapalo na sa mahigit 22 million subscribers ang nakapagrehistro na sa ilalim ng SIM registration law.
Ngunit sa kabila nito ay inamin ni Uy na nananatiling isyu hanggang sa ngayon ang pagpapaabot nito sa mga malalayo at liblib na lugar sa bansa.










