Kokonsultahin ng Kamara ang PhilHealth para gawan ng paraan na magkaroon ng benepisyong pangkalusugan ang mga atleta sa Pilipinas.

Para kasi sa mababang kapulungan ng Kongreso, mayroong espesyal na pangangailangan ang mga atleta.

Ang mga ito rin anila ang kadalasang nagtatamo ng mga injuries na resulta ng kanilang ensayo o paglahok sa mga kompetisyon o paligsahan.

Maging mental stress ay nararanasan din daw ng mga atleta kaya mahalaga rin talaga na magkaroon ng benefits package sa mga ito sa PhilHealth.