-- Advertisements --
Tutol si Labor Secretary Silvestre Bello na palawigin pa ang umiiral na enhanced community quarantine.
Ayon kay Bello, sa oras na ituloy ang ECQ ay baka hindi na kakayanin pa ng mga manggagawa na mawalan ulit ng trabaho.
Magugunita na ganito rin ang posisyon ni Trade Secretary Ramon Lopez hinggil sa usap-usapan ngayon kung kailangan pa ba o hindi na palawigin ang ECQ sa kasalukuyan.
Samantala, sinabi ni Bello na ang problema na idinudulot ng COVID-19 pandemic ay dahil sa issue sa compliance sa minimum health at safety protocols.
Gayunman, handa naman aniya siyang makinig sa mga health experts at sa opinyon ng mga ito sa mga pagpupulong ng IATF sa oras na sila ay magpupulong ulit para sa panibagong quarantine protocols.