-- Advertisements --

Achievement na kung ituring ni Ysabelle “Bella” Roxas Ysmael ang pagkakasungkit sa Best in Evening Gown sa 2020 Miss Universe Philippines.

Pahayag ito ng tinaguriang “Bella ballerina” ng Paranaque sa gitna ng mga mensahe ng panghihinayang sa abot kamay na sanang Miss Universe Philippines crown kung saan siya ay tinanghal na first runner-up.

Bella accepts defeat

Nitong weekend nang mag-bonding na si Bella at kanyang tiyahin na si 1973 Miss Universe Margie Moran kasama ang pamilya na kanya raw habambuhay na magiging “support system.”

Una nang ipinagmalaki ni Moran si Bella na siyang panalo pa rin para sa kanya.

Kung maaalala, ang Ilongga beauty na si Rabiya Mateo ang kinoronahan bilang sunod na kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2020.