-- Advertisements --

Binigo ng Belgium ang Canada 1-0 sa Group F match ng 2022 FIFA World Cup sa Qatar.

Pinatunayan ng world number 2 na Belgium ang lakas nila laban sa ranked 41 na Canada sa laro na ginanap sa Ahmed bin Ali Stadium.

Naipasok ni Michy Batshuayi ang nag-iisang goal ng Belgium sa first half ng laro.

Pagdating ng ikalawang half ay patuloy pa rin ang pagtatangka ng Canada na maitabla ito subalit naging matindi ang depensa ng Belgium.

-- Advertisement --

Makailang beses na nagpalit ng mga player ang magkabilang panig subalit hanggang maubos ang oras ay hindi na nakapuntos ang Canada.