-- Advertisements --

Tinambakan ng San Miguel Beermen ang Terrafirma Dyip 128-89 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Pitong manlalaro ng Beermen ang nagtala ng double digit na score sa pangunguna ni Mo Tautuaa na nagtala ng 27 points habang mayroong 16 points at 22 rebounds si Rodney Brondial.

Nagdagdag naman ng 17 points si CJ Perez habang mayrong 13 points si Juami Tiongson, 12 points, 12 rebounds si June Mar Fajardo, habang mayroong 12 points si Don Trollano at 11 points naman ang naitala ni Jericho Cruz.

Mayroon ng limang panalo at dalawang talo ang Beermen habang ang Dyip ay isang panalo lamang na may pitong talo.

Sinabi ni San Miguel coach Leo Austria na kaniyang pinaalalahanan ang kaniyang manlalaro na huwag maliitin ang Terrafirma.

Nasayang naman ang naitalang 24 points ni Mark Nonoy habang mayroong 17 points si Stanley Pringle para sa Dyip.