-- Advertisements --
Nalusutan ng San Miguel Beermen ang Terrafirma 109-104 sa nagpapatuloy na 2026 PBA Governor’s Cup.
Dahil dito ay mayroon ng dalawang panalo at wala pang talo ang Beermen sa Group A sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo City.
Bumida sa panalo ng Beermen si George King na nagtala ng 37 points at 14 rebounds.
Habang mayrong 22 points si CJ Perez at 17 points naman para kay Don Trollano.
















