Nakamit ng San Miguel Beermen ang unang panalo sa PBA 50th Commissioner’s Cup.
Ito ay matapos na lusutan ang Converge 103-99 sa laro na ginanap sa Ynares Center.
Naipasok ni Don Trollano ang dalawang free throws matapos na ma-foul siya ni Alec Stockton sa loob ng 27.2 segundo ng laro para mabuwal ang 99-99 at makuha ng Beermen ang kalamangan.
Bigong maipasok ni Stockton ang kaniyang three points kaya nakuha ni June Mar Fajardo ang lay-up.
Nanguna sa panalo ng Beermen si Fajardo na nagtala ng 27 points at 17 rebounds habang mayroong 24 points,limang rebounds at limang assists at apat na steals si Cjay Perez at 11 points naman ang naipasok ni Marcio Lassiter.
Sinabi ni San Miguel coach Leo Austria na ito ang kanilang kailangan na maranasan sa simula ng laro.
Pinuri din nito ang kaniyang mga manlalaro dahil sa pagpupursige para manalo.
















