-- Advertisements --

Nadomina ng San Miguel Beermen ang Phoenix 111-92 sa kanilang paghaharap sa PBA Philippine Cup.

Matapos dikit na first quarter 30-29 ay umarangkada na ang Beermen sa second quarter 64-50 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nanguna sa panalo ng Beermen si CJ Perez na nagtala ng 26 points habang mayroong 21 points si Don Trollano.

Nagrehistro naman ng double-double si June Mar Fajardo na mayroong 20 points at 12 rebounds habang nagtala si Marcio Lassiter ng 11 points para magkaroon ng apat na panalo at dalawang talo.

Nasayang naman ang nagawang 23 points ni Kai Ballungay habang 16 points kay Ken Tuffin at 15 points kay Jason Perkins para sa Fuel Masters.