-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng San Miguel Beermen ang Rain or Shine Elasto Painters 106-89.

Dahil sa panalo ay hawak na ng Beermen ang 2-0 na bentahe sa best-of-seven semifinals ng 2024 PBA Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na nagtala ng 22 points, 10 rebounds at apat na assists habang mayroong 19 points si CJ Perez at 16 points, limang assists at limang rebounds si Terrence Romeo.

Pinuri ni Beermen head coach Jorge Gallent ang kaniyang manlalaro dahil sa matinding depensa na ipinamalas ng mga ito.

Hindi naman nagkukumpiyansa ang Beermen dahil sa tiyak na babawi ang Rain or Shine sa mga susunod na laban nila.

Nasayang ang nagawang 20 points, tatlong rebounds at tatlong assists ni Anton Asistio habang mayroong 17 points, siyam na rebounds at apat na assists si Rence Nocum para sa Elasto Painters.