
Dumipensa ang beep card operator na Af Payments Inc. mula sa mga akusasyon ng profiteering o pinagkakakitaan umano ito sa gitna ng kakulangan ng Beep cards sa istasyon ng Metro Rail Transit-Line 3.
Ayon sa kompaniya na hindi sila tumutubo mula sa naturang card. Sa katunayan, gumugol sila ng Php 60 million para sa card subsidies simula ng mag-umpisa ang kanilang operasyon.
Noong Nakalipas aniya na taon, gumastos sila ng Php 12.5 million at ngayong taon ay dumoble pa ang kanilang subsidiya na nasa Php 24 million at tinatayang papalo sa Php 70 million.
Ginawa ng kompaniya ang paglilinaw matapos kalampagin ni Senator Grace Poe ang Transportation department para magpaliwanag kung bakit nagkukulang ang beep cards sa ilang istasyon ng tren dahilan para pumila ng pagkahaba-haba ng mga commuters sa single-journey tickets na nagreresulta sa siksikan sa mga istasyon.
Una ng napaulat na ang stored-value cards sa public transportation ay nagkakaubusan sa ilang istasyon ng tren sa MRT-3 line. Subalit ang mga card ay binebenta sa halagang Php 188 sa pamamagitan ng official online stores sa online shopping platforms ng AF payments. Mas mura naman kapag bibilhin ito sa rail station kung saan pumapatak ang presyuhan sa Php 100 na mayroong Php 70 load.










