-- Advertisements --

Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ni 2007 Miss World New Zealand Stephanie Dods sa nakatakdang panganganak sa darating na Disyembre.

22 weeks pregnant o nasa limang buwan nang buntis ang nasabing beauty queen sa isang baby boy bilang panganay nila ng celebrity husband na si
KC o Casey Wyatt Montero Miller sa tunay na buhay.

Nag-post si Steph ng kanyang topless photo kung saan kita ang kanyang baby bump at tinakpan lamang ang kanyang dibdib.

“Never have I ever felt more beautiful, more excited, more anxious.. more grateful. Mom and dad have been praying for you for a while and we are so excited to meet you come December my little bub,” caption nito sa naturang larawan.

Ayon naman sa 42-year-old American TV host/radio jockey, thankful siya sa kanyang misis na kinayang talikuran ang nakagawiang pagkain para sa mas malusog na pagbubuntis.

https://www.instagram.com/p/CDvwVczBlBm/

Kung tatantyahin, buntis na ang beauty queen nang kasamang maaresto ni Montero at daan-daang iba pa sa isang rooftop bar sa sa Makati noong Hunyo.

Nabatid na magdi-dinner lang sana ang mag-asawa nang mangyari ang raid.

Gayunman, isyu ng paglabag sa social distancing protocol ang dahilan ng pagdakip ng mga otoridad at wala namang nakumpiskang party drug.

Taong 2019 nang ikasal sa beauty queen ang ex-husband ng celebrity ding si Geneva Cruz.