Magkakahalong excitement at adjustment ang karaniwang kuwento ng ilang local celebrity mula sa ilang buwang lockdown pero ngayon ay magpapatuloy na lamang sa general comunity quarantine ang karamihang lugar sa bansa sa bunsod ng coronavirus pandemic.
Tulad na lamang ng aktres na si Beauty Gonzalez na tila nakaligo na uli sa beach ngunit nasorpresa dahil nakapitan siya ng dikya o jelly fish.
Ayon sa 29-year-old Cebuana actress, epektibo naman ang ginawa niyang first aid sa pamamagitan ng pagbuhos ng suka sa mga tinamong sugat at target daw makakain ng jellyfish sa Chinese restaurant upang makaganti.
Para naman kay 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray, bakas ang paninibago nito dahil sa wakas aniya ay muli itong naarawan matapos ang tatlong buwan.
Ang aktor na si Rocco Nacino, natutunan ang kahalagahan ng simpleng buhay kung saan kontento na lamang siya na mayroong kotse para magamit tuwing maggo-grocery at isa na lamang ang relo.
“Another thing that I’ve realized, nalaman ko ang mga needs ko, and I forgot about the wants. I had my sports car, I had my watches. Nitong time na ito, na-realize ko, ‘Ano ba talaga kailangan ko?’ Now, I only use one watch. Isang relo lang, kung ano talaga kailangan ko. I’m happy I get to drive a car para bumili ng groceries,” ani Nacino.
Nasusubok naman daw ang pasensya ng TV host na si Bianca Gonzalez sa kanyang turning five year old daughter na hindi pa masyadong makapag-focus sa online class.