-- Advertisements --
image 48

Pumanaw na ang batikang aktor na si John Regala ngayong araw.

Ito ay kinumpirma mismo ng kanyang asawa at sinabing namatay ang aktor dahil sa cardiac arrest na dulot umano ng liver at kidney complications.

Kung matatandaan, sa mga nagdaang taon, Si Regala ay labas-pasok sa loob ng ospital dahil sa iba’t-ibang health complications tulad ng liver cirrhosis, gout at diabetes.

Kilala sa kanyang mga kontrabida roles, lalo na noong taong 1990s, sikat si Regala bilang “bad boy” ng mga pelikulang aksyon sa Pilipinas.

Dagdag dito, natigil ang kanyang karera dahil sa drug abuse.

Sa ngayon, hindi pa naglalabas ng iba pang mga detalye ang kanyang pamilya ukol sa kanyang internment.