-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang magda-dalawang gulang pa lamang na paslit matapos umanong makalanghap ng usok mula sa isinagawang fogging sa Barangay San Pedro Molo, Iloilo City.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Emma Cordova, ina ng namatay na bata, sinabi nito na noong nakaraang araw nagsagawa ng fogging sa kanilang barangay kung saan hindi sila nakatanggap ng abiso.

Ayon kay Cordova, naglalaro sa crib ang kanyang anak na may down sydnrome nang makalanghap ito ng hangin mula sa fogging machine at hinika.

Ani Cordova, agad naman niyang itinakbo sa pinakamalapit sa ospital ang kanyang anak ngunit makalipas ang isang oras ay binawian din ng buhay.