-- Advertisements --

CEBU – Patay na nang nakita ang 7-taong gulang na batang babae na isa sa mga inanod ng rumaragasang tubig sa Tinubdan Falls, Barangay Tabili, bayan ng Catmon, Cebu kahapon.

Ang bangkay ni Princess Alastra ay nakita ng mga rescuer sa Sitio Kulo, Barangay Duyan, Catmon, Cebu, kalapit na barangay ng pinangyarihan ng trahedya.

Sa tatlong nawawala, dalawa na ang kumpirmadong patay, at tanging ang ina na lang ni Princess, na si Javel Alastra, 32-gulang, ang patuloy na pinaghahanap ng mga rescuer hanggang sa kasalukuyan.

Una nang nakita ang bangkay ng 17-anyos na si Kent Jude Monterola sa isang imburnal sa Sitio Kansija, Barangay Flores sa nasabing bayan.

Kung maalala, masayang nag-bonding ang mga biktima kasama ang kanilang pamilya ngunit pasado ala una ng hapon kahapon ay biglang nangyari ang hindi inaasahang trahedya.