Nanawagan ngayon si Basilan Representative Mujiv Hataman sa Senado na ipasa na ang kanilang bersiyon sa panukalang National Hijab Day Bill.
Dahil ito ang magiging tugon sa laban kontra religious discrimination.
Ang pahayag ng Basilan solon ay kasunod sa pagdiriwang ng World Hijab Day kahapon, February 1,2023.
Nais ni Hataman na aprubahan ng senado ang kanilang version sa National Hijab Day bill na naipasa na ng House of Representatives nuong nakaraang taon.
Sinabi ni Hataman ang panukala ay may kasamang education campaign na layong itaas ang antas ng kaalaman at kamulatan ng ating mga kababayan tungkol sa tradisyon ng mga kababaihang Muslim na magsuot ng hijab, na ito ay bahagi ng kanilang pagpapahayag ng kalayaan sa pananampalataya.
Ang hijab ay simbolo ng dangal at dignidad ng mga Muslim, hindi instrumento ng diskriminasyon.
Samantala, nakiisa naman ang Kamara sa selebrasyon ng World Hijab Day.
Ang World Hijab Day ay idinaraos tuwing unang araw ng Pebrero.
Isang programa ang ilulunsad ngayong araw sa Kamara sa pangunguna ni Basilan Repeesentative Mujiv Hataman at House Committee on Muslim Affairs.
Inaasahan na dadalo rito ang mga opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos at UP Institute of Islamic Studies.
Nobyembre ng nakaraang taon ng ipinagtibay ng Kamara ang House Bill 5693 na nagdedeklara sa February 1 bilang National Hijab Day.
Kasama sa panukala ang pagkakaroon ng mga programang pangkamalayan hinggil sa pagsusuot ng hijab ng mga kababaihang Muslim.