-- Advertisements --

Naging aktibo na muli ang actress na si Barbie Imperial.

Ito ay matapos ang ilang linggong pamamahinga sa social mula ng kasuhan siya ng sexy actress na si Debbie Garcia dahi sa pananakit sa isang bar.

Sa social media post ni Barbie ay makikita na nakasuot ito ng bikini habang nasa beach na hindi na binanggit nito kung saan.

Huling nagpost kasi ang actress ay noong Oktubre 31 ilang araw bago ang naganap na komprontahan nila ni Garcia.

Magugunitang kinasuhan ng pananakit ang actress dahil umano si Garcia ang naging dahilan ng paghihiwalay ng nobyo nitong si Diego Loyzaga.