-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay sa pamamaril ang isang opisyal ng Barangay sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Barangay Kagawad Macmod Masiangal,myembro ng MILF Inner Guard Brigade at residente ng Barangay Labungan Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Ayon kay Datu Odin Sinsuat Chief of Police Lieutenant Colonel Assir Balindong na habang naglalakad ang biktima patungong Barangay Hall upang dumalo sa isang pagpupulong nang sundan ito ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Cotabato City.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang likod na tumagos sa dibdib.

Personal na alitan o rido ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.