Ipinagtanggol ng mga opisyal ng barangay at libo-libong mamamayan si Sen. Bong Go matapos tila maliitin ng ilan ang ipinamigay niyang relief goods sa mga residenteng nasunugan sa Quezon City kamakailan.
Sa isang video, nakwestyon ng ilang kritiko kung bakit hindi puno ng relief goods ang balde na pinaglagyan ng ayuda.
Kasunod nito, kapansin-pansin ang buhos ng suporta mula sa mga residente na nagsabing dapat magpasalamat na lamang kahit kakaunti ang tulong, dahil malaking bagay na rin ito para sa mga nasunugan.
Giit ng mga ito, ang mahalaga ay may handang tumulong sa panahon ng pangangailangan.
Sa isang pahayag, nagpasalamat at humingi ng paumanhin ang kapitan ng naturang barangay kay Senator Bong Go, kasabay ng pagbira sa mga aniya’y malisyosong social media posts ng ilang kritiko.
Imbes na magkomento sa isyu, nagpasalamat si Go sa barangay at sa pagkakataong makapagserbisyo, kahit sa abot lamang ng kanyang makakaya.









