-- Advertisements --
image 226

Posibleng magtaas pa ang Bangko Sentral ng Pilipinas ng benchmark interest rate ng hanggang 5.50% sa katapusan ng 2022 ayon sa Fitch Solutions na isang leading provider ng credit ratings and research para sa global market.

Ito ay kasunod ng umentong 0.75% key rate sa nakalipas na linggo bunsod pa rin ng patuloy na inflation o bilis ng pagtaas ng mga bilihin sa bansa.

Matatandaan na noong Nobiyembre 17 nang magtaas ng borrowing rate ang BSP ng 5% para matapatan ang US Federal Reserves na 0.75% basis points hike noong Nobiyembre 2. Ang pagtaas ng interest rate ay layong mapahupa ang inflation na pumalo na sa halos 14 year high na 7.7% noong Oktubre.

Pagtaya ng Fitch Solutions na ang stabilization ng pandaigdigang kalagayan ng pananalapi at headwinds sa paglago ng ekonomiya ay tila magreresulta sa pagbagal ng galaw ng interest rates.

Kaugnay nito, inaasahan na ang BSP ay magdadala ng mas maliit na 0.50% basis points sa pinal na pagpupulong nito sa Disyembre bago magtaas sa peak nito na 5.75% sa first half ng taong 2023.

Nakikita din ng Fitch Solution na ang inflation ay mananatiling mas mataas sa 2 hanggang 4% target range ngayong taon at sa susunod na taon na papalo sa pagitan ng 4.3% at 5.8% bago ito lumuwag pabalik sa target sa taong 2024 na 3.1%

Una ng inihayag ni National Statistician Dennis Mapa na ang nagdaang bagyo na tumama sa bansa na nakaapekto sa mga pananim ay posibleng magpataas ng inflation sa mga susunod na buwan.