
Nagpaliwanag ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor na si Felipe Medalla kung bakit kampante ang mga itong makakamit ang single-digit na reserve requirement ration (RRR) ng mga malalaking bangko sa Hulyo sa susunod na taon.
Ang reserve requirement ay ang halaga ng cash na dapat ay hawak ng isang bangko sa kanyang reserve laban sa mga deposit na ginawa ng mga customers sa Pilipinas.
Ang kasalukuyang reserve requirement ay nasa 12 percent.
Aniya, ito ay kung mapababa pa ang target na inflation pagsapit ng buwan ng Hulyo.
Una na rin umanong tinarget ng pinalitan nitong si dating Governor at ngayon ay Finance Secretary Benjamin Diokno ang sinle-digit reserve requirement ration.
Kampante si Medalla na puwede na nilang putulin ang double digit reserve requirement sa buwan pa lamang ng Hunyo sa susunod na taon.
Kapag nangyari raw ito ay klarong-klaro na rin ang direksiyon ng inflation na mas mababa pa sa four percent.
Sa ngayon ay pinununanni Medalla ang unexpired term ni dating Governor at ngayon ay Finance Secretary Benjamin Diokno.
Si Diokno rin ang sumalo sa natitirang termino ni dating Governor Nestor Espenilla, Jr. na namatay noong Pebrero 2019.
Noong 2017, sinabi ni Espenilla na nais nitong makita ang reserve requirement na makalahati sa ilalim ng kanyang liderato.










