-- Advertisements --
DAVAO CITY – Emosyonal na sinundo ng kanyang kamag-anak ang bangkay ng visual artist na si Bree Jonson nang dumating ito sa lungsod kaninang umaga sa Davao Airport.
Hustisya pa rin ang sigaw ng mga kamag-anak ng biktima na wala nang buhay ng matuklasan ang katawan nito sa isang resort sa La Union.
Una nito, agad na inutos ni Philippine National Police (PNP) Police General Guillermo Eleazar ang kapulisan na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng biktima.
Sa inilabas na resulta sa otopsiya ng bangkay ng biktima, asphyxia umano ang ikinamatay nito.
Una na rin na hinuli ang boyfriend ni Jonson na si Julian Ongpin na siyang huling nakasama nito bago narekober na wala ng buhay ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto.