-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Natagpuang palutang lutang ang isang 77 anyos na lalaki sa palaisdaan sa Sitio Padilla Brgy. Tonton, sa bayan ng Lingayen dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Kimpee Jayson Cruz, Officer II – Lingayen Local Disaster Risk Reduction and Management Office, ang biktima ay residente ng Ramos East sa naturang barangay at ito ay nakakaranas ng Alzheimers Disease.

Sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nireport ng isang 51 anyos na lalaki na nakita nito umano ang palutang lutang na bangkay ng biktima nang patungo ito sa kaniyang pinagtatrabahuan upang kunin ang kaniyang fish trap.

Agad naman iton itinakbo sa pagamutan ngunit idineklara din itong deadon arrival.

Nakipag ugnayan naman ang mga otoridad sa Rural Health Unit II upang magsagawa ng post martum examination sa labi ng biktima at malaman pa ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito.

Pinapaalala naman ni Cruz na laging maging handa lalo na sa ganitong mga sitwasyon. Gayundin sa mga magdadagat sa nalaalpit na long weekend upang maiwasan ang pagkakalunod.