-- Advertisements --
Tumaas pa sa 76 ang bilang ng mga namatay mula sa isang aksidente sa bangka sa timog-silangang estado ng Anambra ng Nigeria.
Tumaob ang barko sa gitna ng matinding pagbaha sa Ogbaru area ng Anambra.
Sinabi ng Pangulo ng Nigeria na si Muhammadu Buhari na kinumpirma ng mga emergency authorities ang mas mataas na bilang ng mga nasawi.
Nagpapatuloy ang rescue at recover operation sa mga nawawalang pasahero.
Inatasan na rin ang mga nauugnay na ahensya na suriin ang mga protocol sa kaligtasan upang maiwasan ang mga aksidente sa hinaharap.
Sinabi ng pinuno ng Anambra State Emergency Management Agency na 15 katao ang nailigtas sa aksidente.
Ang Anambra ay kabilang sa 29 sa 36 na estado ng Nigeria na nakaranas ng matinding pagbaha ngayong taon.