Nagmistulang rematch ang naging laban sa pagitan ng Milwaukee Bucks at Miami Heat mula sa naging banggaan ng mga ito nitong nakalipas na 2023 quarter finals rematch sa Eastern Conference.
Ito ay sa kabila ng hindi paglalaro ni Jimmy Butler, ang kasalukuyang star forward ng Miami.
Sa naging laro ng dalawang bigating Eastern teams, nagpasiklaban ang dalawang big man na sina Giannis Antetokounmpo at Bam Adebayo.
Kumamada si Bam ng 31 points 10 rebounds habang 33 points 10 rebounds naman ang naging sagot ni Giannis.
Gayonpaman, naging malaking dagok sa Miami ang kawalan ni Butler dahil na rin sa bigat ng depensa ng Bucks, lalo na sa paint area.
Maliban dito, mistulang walang sagot ang Miami sa elite shooter na si Damian Lillard na kumamada rin ng 32 points ay siyam na assists.
Nagtapos ang naturang laban sa score na 131 – 124, pabor sa Miami.
Maalalang ang dalawang koponan ang nagharap sa unang serye ng eliminations sa Eastern Conference, sa pagsisimula ng 2023 Playoffs nitong nakalipas na season.
Sa naturang laban ay gumawa ng kasaysayan ang Miami matapos talunin ang No.1 seed na Bucks sa loob lamang ng 5 games.
Batay sa kasaysayan ng NBA, ang Miami pa lamang ang ika-anim na koponan na nakagawa ng ganitong record.
Kinalaunan, pumasok din ang Miami sa Finals ngunit tuluyan ding natalo sa Denver Nuggets.