-- Advertisements --

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Kongreso ang pagpapasya kung bibigyan pa ng special amelioration program (SAP) ang mga residente na nasa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Pahayag ito ng Malacañang matapos isailalim sa MECQ ang Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal mula Agosto 4 hanggang 18.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan ng batas mula sa Kongreso para sa pagbibigay ng ayuda.

Ayon kay Sec. Roque, hindi maaring gastusin ang kaban ng bayan ng walang nagmamandatong batas.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act, nakatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 ang bawat pamilyang Pilipino na naapektuhan ng COVID-19.

Nasa 18 milyong pamilya ang beneficiaries ng nasabing financial assistance.