-- Advertisements --

Ipgpapatuloy ng bagong PNP chief na si Police Lieutenant General Rodolfo Azurin, Jr ang laban ng gobyerno kontra sa iligal na droga.

Sa kaniyang talumpati sa camp crame para sa kaniyang pormal na pag-upo, sinabi nito na magiging prioridad nito ang rehabilitation drive sa kampanya sa iligal na droga.

Makikipag-ugnayan din ito sa mga lider ng simbahan para sa pagpapabuti ang pakikitungo ng mga kapulisan sa tao.

Hiningi din nito ang tulong ng ibang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Bureau of Customs para sa paglaban sa ilgal na droga.

Pagtitiyak din ng bagong PNP chief na kaniyang lilinisin ang hanay ng mga kapulisan nito.