-- Advertisements --

Nilinaw ng Presidential Communications Office (PCO) na libreng makukuha ang identfication cards para sa service fairs nito at hindi kailangang magbayad para magkaroon ng access sa naturang evetn o makatanggap ng tulong mula sa state agencies.

Wala ding entrance fee sa mga pagdarausan ng caravans dahil ang mga aktibidad ay programa ng gobyerno na idinisenyo para mabenepisyuhan ang mga Pilipino.

Dumadaan din aniya sa validation ang tulong na binibigay sa sevice fairs.

Hinikayat naman ng PCO ang publiko na maging mapagmatiyag at ireport sa anumang gawain na nangingikil ng bayad kapalit ng government aid.