Nagbabala ang OCTA Research Group hinggil sa tatlong bagong subvariants ng Omicron na maaaring magresulta ng panibagong surge sa mga kaso ng COVID-19 sakaling madetect sa Pilipinas.
Ayon kay biologist Fr. Nicanor Austriaco, mas nakakahawa ang BA.4, BA.5 at BA.2.12.1 kumpara sa BA.2 subvariant na kasalukuyang dominant ngayon sa ating bansa at sa buong mundo.
Aniya anuman sa mga variant na ito ay maaaring magresulta ng panibagong surge sa bansa na posibleng very mild at posibleng nakamamatay para sa mga walang immunity o humin na ang immunity. Kung kayat binigyang diin ni Fr. Austriaco ang kahalagahan ng pagkakaroon ng booster shot.
Paliwanag naman ng Department of health na ang BA.4 at BA.5 ay hindi pa cause of concern sa ngayon at hindi pa nadetect sa bansa ang bagong mga subvariants.
Base sa datos mula sa OCTA. kasalukuyang nasa very low ang covid19 risk levl sa bansa na mayroong 1.4% positivity rate, 23 percent healthcare utilization rate, at 0.67 virus reproduction rate.