Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na kanilang gagamitin ang bagong PNP Logistics Data Information and Management System (PNP LDIMS) ngayong panahon ng eleksyon.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) PLt. Gen. Rhodel Sermonia, ang bagong sistema ay inaasahang makakatulong sa mabilis na deployment ng personnel at assets lalu na sa mga lugar na itinuturing na hot spots.
Paliwanag naman ni PNP Director for Logistics, PBGen. Ronaldo Olay, ang PNP-LDIMS ay isang one-stop-shop na nagbibigay ng real-time information sa “status” ng lahat ng tauhan at kagamitan ng PNP.
Ito ay magagamit din sa pagtukoy ng “accountability” ng bawat tauhan ng PNP, at maaring pagkunan ng clearance ng mga magreretirong PNP personnel.
Ang PNP-LDIMS ay pormal na pinagkalooban ng sertipikisayon bilang information system ng PNP kahapon Sa Camp Crame.
Kaugnay nito, ginawaran ng pamunuan ng PNP ng Medalya ng Katangi-tanging Gawa at Plaque of Recognition ang mga tauhan ng PNP na responsable sa pagbuo ng naturang information system.